ANG ENGRANDENG PAGTATANGHAL
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
NAGING mabunga ang Focus Group Discussion (FGD) ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF, itinatag 1936 at nireporma 1991) sa Lungsod Cotabato para sa bubuoing korpus at glosaryo ng wikang Iranún nakaraang 04-07 Mayo 2026.
Katuwang ang KWF sa gawain ay nakiisa ang mga kinatawan mula sa tanggapan ng speaker, tanggapan ng kalihim heneral, tanggapan ng Ministry of Indigenous People’s Affairs (MIPA), at LTAIS-Translation and Interpretation Division (TID). Nakibahagi din ang ilang kinatawan ng mga Iranún mula sa kani-kanilang heograpikong representasyon.
Sa panig ng KWF ay dumalo sina Dr. Sheilee B. Vega, Chief Language Researcher; John Lerry C. Dungca, Senior Language Researcher; at Johnly O. Diolata, Lexicographer/Researcher.
BASAHIN: NAGNINGNING ANG MGA TALA, SA GABI NG MANILA CARNIVAL QUEENS
Layunin ng FGD na makalikom ng datos para sa dokumentasyon ng mga pasalitang korpus ng wikang Iranún na magagamit sa pagbuo ng iba’t ibang kagamitan at magiging sanggunian para sa higit pang preserbasyon at pagpapayaman ng kanilang wika sa pamayanan.
Bahagi ng patuluyang gawain ang pagbuo ng korpus ng mga wika sa Pilipinas sa ilalim ng Sangay ng Leksikograpiya at Korpus ng Pilipinas (SLKP) ng KWF.
