January 24, 2025

P40 UMENTO SA SAHOD, HINDI SAPAT – LABOR GROUPS

HINDI sapat ang P40 para sa mga sumasahod ng minimum sa Metro Manila para bayaran ang pagtaas ng halaga ng pamumuhay sa naturang rehiyon.

Ayon sa Federation of Free Workers (FFW), na bagama’t welcome sa kanila ang inaprubahang taas-sahod bilang maliit na tagumpay para sa ating mga dedikadong manggagawa.

Idinagdag pa nito, na isa itong kabiguan para sa marami nating manggagawa.

“The increment falls significantly short of the more than P100 wage recovery that our labor force had been anticipating. It also fails to reflect the escalating cost of living in Metro Manila. As such, we stress that the struggle for a fair, living wage is far from over,” ayon sa FFW.


Ganito rin ang naging sentiyemento ng Partido Manggagawa, na malayo sa inihirit na P100-1,140 umento ng ilang labor groups ang inaprubahang dagdag-sahod.


 “We are disappointed as the order not only came late but also because it was not the workers but primarily the side of business that was considered in this decision,” ayon sa PM.

“To illustrate categorically, the P40 increase can only buy a kilo of a regular-milled rice or pretend it can for 2 kilos of that imaginary P20/kg promised by the President. The increase may not even be enough to cover the increase in the prices of onions,” dagdag ng grupo.