January 25, 2025

MGA NASABAT NA SUPLAY NG ASUKAL NG CUSTOMS, PATULOY PA RING INIIMBESTIGAHAN!

PATULOY ang imbestigasyon ng Bureau of Customs sa nangyaring siezure operations sa mga stocks ng asukal sa mga warehouses at pantalan.

Ayon kay Bureau of Customs Spokesperson Arnold dela Torre sa Kapihan sa Manila Bay,  apat na insidente mula sa sunod-sunod na pagbisita sa warehouses nitong Agosto ang kasalukuyang dumadaan sa imbestigasyon at ito ay nagkakahalaga ng kabuuang 289 million pesos.

sa apat na insidente – dalawa ang nasabat mula sa mga warehouses at dalawa naman sa pantalan.

Giit ni Dela Torre na sa naturang imbestigasyon malalaman kung legal ba o ilegal ang naturang mga suplay ng asukal.

sa oras na madetermina ang legalidad ng nasakoteng suplay ng asukal ay dito na magsasampa ng kaso ang Customs sa DOJ. 

Matatandaan na ilang buwan lang ang nakakaraan sunod-sunod ang ginawang pagbisita ng Customs sa ibat ibang imbakan ng asukal sa bansa matapos pumutok ang balita na nagkakaroon ng hoarding ang mga suppliers para mapataas ang presyo ng asukal.