April 30, 2024

P2.7 milyon halaga ng shabu nasamsam sa buy-bust sa Navotas

Arestado ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU si Crisanto Lazaro, 39, sa buy bust operation sa Wawa, Brgy. Tangos, Navotas City. Nakuha sa kanya ang nasa 405.4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P2,756,720.00 ang halaga, P3,000 buy bust money at isang kulay maroon na belt bag. (RIC ROLDAN)

NAKIMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit sa P2.7 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang drug pusher na natimbog sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong suspek na si Crisanto Lazaro, 39 ng 300 Roldan St., Brgy. Tangos South.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Wawa, Brgy. Tangos South kung saan nagawang makapagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer sa suspek ng P3,000 halaga ng shabu.

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 405.4 gramo ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P2,756,720.00, buy-bust money at isang kulay maroon na belt bag.