
Sinira ng gobyerno ang P11 bilyong halaga ng shabu na nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Marso 15, 2022 sa Infanta, Quezon.
Sinabi ni NBI Director Eric B. Distor na sa memorandum na isinumite ng NBI Forensic Chemistry Division (NBI-FCD), ang kaso ng P11 bilyon ay isa sa mga ebidensyang kasama sa pagsira sa mga mapanganib na droga na iniutos ng Regional Trial Court.
Ayon sa opisyal, ang “destruction” sa iligal na droga ay naganap noon pang June 2, 2022.
Inimbitahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang anim na tauhan ng NBI-Forensic Chemistry na sinaksihan ang pagsira sa mga nasabat na iligal na droga.
Ang pagsira sa mga droga ay batay na rin sa utos ng korte sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Trece Martirez, Cavite.
More Stories
POGO BUHAY NA NAMAN? MAY BAGO SILANG MODUS – HONTIVEROS
SEN. LAPID NAGSAGAWA NG MOTORCADE SA BACOLOD CITY AT NEGROS OCCIDENTAL
CONVOY NG PNP CHIEF, SINITA DAHIL SA PAGGAMIT NG EDSA BUSWAY