May 14, 2024

P10K AYUDA BENEFICIARY BINISITA NI CONG. EGAY


Binisita ni Congressman Egay Erice si Khim Kryshan Espejon isa sa mga beneficiary ng Sampung Libong Pag-Asa, isang programang pinangungunahan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano na magbibigay tulong pinansyal sa halagang P10,000 upang makatulong sa kanilang pamilya.

Si Khim ay isang kabataang may natatanging pagmamahal sa kanyang magulang at pamilya. Panganay sa siyam na magkakapatid. Ang kanyang ina ay isang solo parent at ang bunso n’yang kapatid ay isang buwan palamang.

Dahil sa kanyang kabutihang loob ay pinagkalooban din s’ya ni Cong. Egay ng Digital Tablet at food packs para sa kanilang pamilya.

Samantala, 50 na taga-Bagong Barrio ang nabigyan rin ng P10K ng naturang programa.