May 19, 2024

CRIS NIEVAREZ, PASOK SA QUARTERFINALS NG MEN’S SINGLE SCULLS

Sumagwan na si PH rower Cris Nievarez sa men’s singles sculls sa Tokyo Olympics. Mapalad na nakapasok sa quarterfinals si Nievarez sa kanyang olympic regatta debut.

Nagtapos siya sa third-place finish sa torneong idinaos sa Sea Forest Waterway.

Nagtala ang Quezon province native ng 7:22:97 mark. Kung saan bumuntot siya kay reigning silver medalist Damir Martin ng Croatia (7:09:17). At kay Alexander Vyazovkin ng ROC na nagtala ng 7:14:15.

Mas nakapa ko ‘yung galaw ng tubig dito sa Sea Forest kaya maganda na nakapunta kami dito limang araw bago kami mag-start,” ani Cris Nievarez sa News5.

Nakatulong daw marahil sa kanya ang familiarity sa venue . Kung kaya, nakasabay siya sa karera kina Martin at Vyazovkin.