January 19, 2025

OFWs PRAYORIDAD SA PLASTIC DRIVERS LICENSE CARDS – LTO

ayoridad ng Land Transportation Office (LTO) na mabigyan ng plastic driver’s license cards ang mga papaalis na overseas Filipino workers (OFWs) para magamit sa kanilang trabaho sa ibang bansa.

Ayon kay LTO OIC Hector Villacorta, sa ngayon ay printed lamang sa papel ang natatangap ng mga aplikante ng driver’s license at mayroon na lamang silang 53,000 plastic cards na natitira na ilalaan na lamang sa mga departing OFWs.

Aniya, inatasan na niya ang mga division chief ng ahensiya upang unahing bigyan ng plastic drivers license cards ang mga departing OFWs para magamit sa kanilang trabaho dahil baka hindi tanggapin sa abroad ang printed driver’s license.

Si Villacorta ay pormal nang naupo bilang OIC sa LTO kahapon, June 1, kapalit ng nagbitiw na si dating LTO Chief Jay Art Tugade.

Sinabi ni Villacorta na pabibilisin nila ang sistema sa procurement ng plastic cards para sa susunod na dalawang buwan ay masolusyonan ang kakulangan nila sa plastic cards.

Pinayuhan din nito ang mga tauhan na tuparin nang maayos at tapat ang kanilang mga trabaho at labanan ang korapsyon.