April 30, 2024

NENE NAILIGTAS SA GANG RAPE NG MGA KALARO

LABIS ang naging trauma ng isang 7-anyos na batang babae matapos umanong tangkaing gahasain ng apat nitong kalaro na menor de edad sa Cagayan de Oro City.

Masawerteng nailigtas ni Karen Awiten ang biktimang si alyas Ali, hindi tunay na pangalan.

Ayon kay Awiten, nagulat siya nang bumungad sa kanyang mga mata ang naturang batang babae habang nakapatong ang isang walong gulang na bata na si alyas CB kasama ang tatlo pa nitong kalaro habang nasa loob ng isang kwarto sa isang bahay Singapore, Barangay Balulang sa nasabing siyudad.

Galit na galit at sumusigaw ng hustisya ang magulang ng batang babae na ayaw magpabangit ng pangalan nang magtungo ito sa istasyon ng pulisya upang humingi ng dokumento para magsampa ng kaso laban sa apat na suspek.

Pero ayon kay Carmen Police Station commander Maj Jelesis Teves, hindi nila makumpirma na mayroong nangyaring penetration sa biktima.

Ito ay dahil ayon sa salaysay ng testigo na bagama’t nakapatong ang suspek ay wala naman indikasyon na nakaranas ng pananakit ng ari ang bitktima.

Bagama’t pinayuhan ni Teves ang pamilya ng biktima na kumuha pa rin ng serbisyong medikal para alamin ang tunay na nangyari sa mga bata.