April 28, 2024

Los Angeles Lakers coach Frank Vogel, dismayado sa 2 bad calls ng refs pabor kay Butler

Nagpahayag si Los Angeles Lakers coach Frank Vogel kaugnay sa pagkatalo ng team sa Game 5 ng NBA finals.

Aniya, ang mga maling tawag ng referees ang nagdiin sa kanila. Giit ni Vogel, Malaki ang naging epekto ng free throws sa scoring.

Si LeBron James aniya ay nagsalpak ng free throws sa final three minutes. Habang si Jimmy Butler ay pinatira nito sa loob lamang ng 47 seconds.

Ito aniya ang nagbigay sa Heat ng season-saving victory. Himutok ni Vogel, mali ang tawag kay Anthony Davis.

Mali aniya ang officials ang pagtawag ng foul sa atake ni Butler. Maging ang foul ni Markieff Morris kay Butler.

I felt two bad calls put Butler to the line,” ani Vogel.

That’s unfortunate in a game of this magnitude. Anthony Davis has a perfect verticality.

That should be a play-on. The time before that, Markieff Morris has his hand on the ball, that should be a play-on.”

Ang pagsalpak ni Butler ng free throws sa 2 maling tawag aniya ang tumulong sa Heat upang manalo.

I’m very disappointed in that aspect of the game. But our group is fine,” saad ni Vogel

We’ll have a better performance in Game 6. We’ve got to play better for the 48 minutes leading up to that last minute,” aniya.