May 17, 2024

NBL Season 4 champ ang Pampanga Delta

Sinungkit ng Pampanga Delta ang kampeonato sa katatapos lang na NBL Season 4. Tinalo nito ang La Union PAOwer sa Game 4 sa best-of-five finals series, 3-1.

Bumida sa panalo ng Pampanga si Levi Hernandez na nagsalpak ng 24 points. Siya rin ang nahirang na finals MVP.

Nagdagdag naman ng tig-11 points sinma Mark Tamayo at Michael Juico.

Labis naman ang tuwa ni Delta coach Dennis Pineda sa impresibong laro ng kanyang mga players.

Hindi na kasi nito pinayagang ipuwersa ng La Union ang laro sa Game 5. Nanguna naman sa La Union si Jayson Apolonio  na may 21 points.

Nag-ambag naman si Mitchelle Maynes ng 15 puntos sa PAOwer. Kahit na nabigo sa torneo, umani naman ng respeto ang La Union sa torneo,

Kahit na unang beses pa ang sumali sa liga, pumalaot na agad sila sa finals.