May 17, 2024

NBA Updates and Rumors: James Harden, mapupunta sa Brooklyn Nets ayon sa report

May sitsit na malamang na mapunta sa Brooklyn Nets si James Harden. Kung matutuloy, muli nitong makakasama ang dating teammate na si Kevin Durant at si Kyrie Irving. Mula rito, mabubuo rin ang Big Three ng Nets.

It’s a wrap for 2021 season,” ani New Orleans Pelicans Josh Hart.

“I was already over 2020 but if James goes to Brooklyn then I’ll see ya’ll 2022 cause they got 2021,”aniya.

Binarag ni Rajon Rondo ang $2.6 million option para maging free agent. Kabilang sa teams na interesado sa kanya ang Atlanta Hawks at Los Angeles Clippers.

Matapos i-trade si Danny Green, interesado ang Los Angeles Lakers sa free agent na si Wesley Matthews sa Milwaukee Bucks.Pumayag ang Lakers sa trade deal sa Oklahoma City Thunder. Naging kapalit ni Green si Dennis Schroder at ang 28th overall pick.

Excited naman si San Antonio Spurs guard DeMar DeRozan nang malamang interesado sa kanya ang Lakers. Si DeRozan ay tubong California.

Muling lumagda ng kontrata upang maglaro sa Miami Heat si Udonis Haslem. Si Haslem ay pumirma ng one-year $2.5 million deal. Dahil dito, inilista ni Haslem ang kanyang ika-18 season sa Miami.

Intesado ang Houston Rockets sa free agent na si Serge Ibaka mula sa Toronto Raptors. Samantalang interesado naman ang Charlotte Hornets kay Russell Westbrook.