April 27, 2024

NAOYA INOUE, DELIKADO KAY NONITO DONAIRE

Delikado si Japanese pug Naoya Inoue sa upcoming bout nila ni Nonito ‘ The Filipino Flash’ Donaire. Ang nasabing laban ay pangalawa na nila sa bantamweight title clash na idaraos sa June 7 sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.

Itataya ng dalawa ang kani-kanilang title belts para sa undisputed WBA, WBC  at IBF bantamweight clash.
Ayon sa kampo ni Donaire, maging sa ilang sports analyst, kahit sa balwarte pa ng Japanese idaraos ang laban, dehado ito sa rematch. Sa una nilang laban, kahit na nanalo si Inoue, labis itong napinsala. Nagkaroon ito ng fracture sa panga.

Na naging dahilan upang naging madalang ang laban nito. 


Alam na ni Nonito ang galawan niya. Hindi na magagawa ni Inoue ang nagawa niya sa una nilang laban ni Donaire. Ang focus lang nito (Inoue) ay sa katawan. Nakaya naman ni Donaire yun,” ayon sa source sa kampo ng Pinoy boxer.


He can’t unleashed the monster within his style. Napi-predict na ni Nonito yan. Tiyak na magiging maganda ang laban. If he will engage to Donaire, he will be suffer sa mga counter punch, “ aniya.