PORMAL nang pinasinayaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pinakabagong street art na pinamagatang “Free to be Hue” mural sa Araneta City, Cubao, Lungsod ng Quezon.
Ang nasabing sining ang magsisbing tampok na obra at sentro ng kampanya ng kilalang commercial district para sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo.
Ayon sa pamunuan ng Araneta City, layunin ng makulay na artwork na itaguyod ang mensahe ng inklusibidad, malawak na visibility, at buong pagtanggap para sa lahat ng mga bumibisita sa naturang establisyimento, anuman ang kanilang kasarian.
BASAHIN: MAYOR JOY BELMONTE, PINAG-A-APOLOGIZE SI REP. BONG SUNTAY SA ‘INAPPROPRIATE’ REMARKS TUNGKOL KAY ANNE CURTIS
Kilala ang Lungsod ng Quezon sa pagiging pioneer ng mga ordinansa at programa na nagtatanggol sa karapatan ng LGBTQIA+ community, at ang pakikipagtulungang ito sa pribadong sektor ay bahagi ng patuloy na pagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa malayang pagpapahayag at pagkakapantay-pantay.

Dumalo sa ribbon-cutting ceremony ang mga kinatawan ng lungsod at pamunuan ng Araneta City upang saksihan ang pagbubukas ng mural, na inaasahang darayuhin ng mga motorista at mga mamimili sa Cubao.
