SOLAR PARTNERSHIP FORGED. Pormal nang nilagdaan ng MSpectrum, Inc., Tokyo Century Corporation (TC), at JFE Engineering Corporation (JFEE) ang isang Joint Venture Agreement para sa pagtatatag ng MSpectrum Taiyo Inc., na naglalayong pabilisin ang paglipat sa solar energy ng mga industriya sa Pilipinas. Ang seremonya ay dinaluhan nina (mula kaliwa pakanan) MSpectrum Chief Operating Officer Patrick Henry T. Panlilio, MSpectrum Chairman Ronnie L. Aperocho, Manila Electric Company (Meralco) Chairman at CEO Manuel V. Pangilinan, TC Senior Managing Executive Officer at Global Business Unit President Toshio Kitamura, at JFEE Managing Director at Head of the Power Business Division Atsushi Kobayashi.
Nakipagtulungan ang MSpectrum, Inc., ang solar subsidiary ng Manila Electric Company (Meralco) na pinamumunuan ni Manuel V. Pangilinan, sa Japan Companies na Tokyo Century Corporation (TC) at JFE Engineering Corporation (JFEE) upang magtayo at magpatakbo ng mga solar rooftop at ground-mounted solar projects para sa mga pang-industriyang pasilidad sa buong Pilipinas.
Sa pamamagitan ng isang Joint Venture Agreement (JVA), itinatag ng tatlong kumpanya ang MSpectrum Taiyo Inc. Pagsasamahin ng bagong kumpanya ang malawak na lokal na merkado ng MSpectrum at eksperto ng Meralco sa kuryente, ang pandaigdigang kakayahan sa financing ng TC, at ang malalim na karanasan sa engineering at renewable energy ng JFEE.
Sa ilalim ng kasunduan, hawak ng MSpectrum ang 60% equity stake sa joint venture, habang ang TC at JFEE naman ay mayroong 30% at 10% share, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Pangunahing layunin ng partnership na ito na pabilisin ang paglipat sa solar energy ng Japanese companies na nagpapatakbo sa bansa, habang sinasamantala ang lumalagong merkado ng komersyal at industriyal na solar power sa Pilipinas.
“Beyond supporting the growth of our organizations, this partnership aims to contribute to the country’s broader energy transition by expanding access to clean and reliable energy solutions, helping businesses manage energy costs, reduce carbon emissions, and enhance their long-term competitiveness,” pahayag ni MSpectrum Chairman Ronnie L. Aperocho.
Ang kolaborasyong ito ay binuo mula sa matagal nang ugnayan ng mga naturang kumpanya na nagsimula pa noong 2018 sa ilalim ng Joint Crediting Mechanism (JCM) program ng Japan.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, matagumpay na naipatupad ang ilang solar power purchase agreement (PPA) projects sa pagitan ng 2019 at 2021 sa tulong ng gobyerno ng Japan.
Ayon naman kay Meralco Chairman at CEO Manuel V. Pangilinan, pinatutunayan ng joint venture ang halaga ng pagsasama-sama ng mga pinagkakatiwalaang kumpanya na may iisang pananaw para sa inobasyon at napapanatiling paglago.
“It is this combination of strengths that allows us to deliver more reliable, more efficient, and more scalable solar solutions to commercial and industrial customers in the Philippines—helping businesses become more productive, more competitive, and better prepared for the future,” pagtatapos ni Pangilinan.
