
ARESTADO ang isang lalaki na most wanted person ng Calapan City, Oriental Mindoro City dahil sa kasong Rape thru Sexual Assault sa Batangas City.
Batay sa ulat Batangas Provincial Director, PCol. Glicerio Cansilao, kay CALABARZON Regional Director, PBGen. Antonio Yarra, kinilala ang naarestong akusado na si Robinson Anoyo.
Naaresto ang suspek sa bisa narin ng warrant of arrest na inihain ng PIU-Batangas PPO (lead unit), Lian MPS, 2nd BPMFC, 403rd RMFB-4A, Calapan CPS bandang 4:20 ng hapon ng Hunyo 26, 2022 sa Barangay Malaruhatan, Lian, Batangas.
Ang inihaing warrant ay inilabas ni Hon. Cefelene Raynon Goco, Presiding Judge ng Family Court, Branch 11, Calapan City, Mindoro Oriental noong June 8, 2022 na may kaukulang Php. 200,000.00 na piyansa.
Si Anoyo ay nahaharap sa kasong rape thru sexual assault in relation to R.A. 7610.
More Stories
KAMARA NAGLABAS NG VIDEO KUNG BAKIT NA-IMPEACH SI VP SARA
8 patay sa sunog sa Quezon City
14-ANYOS NA ESTUDYANTENG TSINOY DINUKOT, PINUTULAN NG DALIRI (Kidnappers pinatutugis ni PBBM)