April 27, 2024

Mitchell, bumida sa paglikida ng Utah Jazz sa LA Clippers

Bumuslo si Donovan Mitchell ng 24 points at 7 assists sa paglikida ng Utah Jazz sa LA Clippers, 114-96. Nag-ambag naman si Rudy Gobert ng 20 rebounds.

Tinalo naman ng Golden State Warriors ang Miami Heat, 120-112. Nanguna si Kent Bazemore sa paglista ng 26 points at 8 rebounds.

Nag-ambag naman si Stephen Curry ng 25 points, 7 boards at 11 assists. Dinagit naman ng Atlanta Hawks ang Boston Celtics, 122-114.

Kumamada ng 40 points at 8 assists si Trae Young. Nag-ambag naman ng 13 rebounds si Clint Capela.

Gumawa naman ng 35 points si Jason Tatum sa Celtics. Samantala, narito ang kabuuang resulta ng laban sa NBA ngayong araw.

Knicks – 89 Magic – 107

Rockets – 113 Sixers – 118

Nuggets – 128 Wizards – 130

Pacers – 134 Timberwolves – 128

Pistons – 102 Bulls – 105

Blazers – 126 Pelicans – 124

Thunder – 113 Grizzlies – 122