May 19, 2024

Misis ni Sen.Pacquiao na si Jinkee at volleyball star Alyssa Valdez, nahihilig sa ‘horticulture’

Dahil tengga pa sila sa kanilang sports na kinabibilangan, enjoy na rin sa paghahalaman ang ilang personalidad dito.

Kabilang na rito sina Sen. Manny Pacquiao at volleyball star Alyssa Valdez. Naging libangan nila ito buhat nang natigil ang sports.

Walang laban si Pacman ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic. Gayundin si Valdez dahil wala pang laro sa ngayon ang Philippine Volleyball League (PVL).

Unang nahilig ang maybahay ni Sen. Pacquiao na si Jinkee sa ‘horticulture’.

Nahikayat na lang nito ang eight-division boxing champ sa naturang libangan. Katunayan, may plant collection si Jinkee sa kanilang bahay.

Bukod sa dalawa, nawili na rin sa pagiging ‘plantita’ si ang marathon queen at SEA Games champion na si Christine Hallasgo.