May 17, 2024

MILWAUKEE BUCKS, SINUWAG ANG ATLANTA HAWKS SA GAME 5, 123-112

Nakalamang ang Milwaukee Bucks sa series 3-2 nang itala ang panalo sa Game 5 ng Eastern Conference Finals. Sinuwag ng Bucks ang Atlanta Hawks sa iskor na 123-112.

Nanguna sa panalo ng Bucks si Brook Lopez na nagtala ng 33 points. Gayundin ng 7 rebounds at 4 blocks. Si Khris Middleton naman ay bumira ng 26 points, 13 boards at 8 assists.

Nag-ambag naman si Jrue Holiday ang 25 points, 13 assists at 6 boards. Sa panig naman ng Hawks, gumawa si Bogdan Bogdanovic ng 28 points, 5 boards at 4 assists.

Hindi naman nakapalaro sa Hawks si Trae Young dahil sa injury. Gayundin si lCapela na may tama sa mata. Si Giannis Antetokounmpo naman ay may extended right knee.