April 28, 2024

BEA ALONZO, KAPUSO NA

PHOTO: GMA NETWORK


OPISYAL ng Kapuso si Bea Alonzo matapos pumirma ng exclusive contract sa GMA Network.

Sinaksihan nina GMA Films president Annette Gozon-Valdez at GMA first vice president for program management Jose Mari R. Abacan ang contract signing.

Matapos pumirma ng kontrata kahapon, agad na bumuhos ang mensahe para batiin si Bea. Mainit naman tinanggap ng mga GMA stars, talents at official ang naturang aktres.

Isa na nga sa mga nag-welcome sa kanya ang kanyang long time screen partner sa mga pelikula na si John Lloyd Cruz.



Ilan sa mga pinagsamahan nilang pelikula ay humakot ng award mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Sa kanilang video call, tinanong ng aktres si John Lloyd kung makikita niya raw ba ito sa GMA.

Kinantiyawan naman sila ni Ms. Annette, na sinabi na dapat hilahin ng aktres si John Lloyd.

“Hilahin mo na,” ayon kay Ms. Annette, na game naman na sinagot ni Bea, at ang sabi: “’Lika na!” habang inaabot ang kanyang kamay sa video.


Bukod kay John Lloyd, winelcome rin ng multi-awarded director na si Bobot Mortiz si Bea sa Kapuso network.

Nang tanungin kung ano ang dapat asahan ng mga fans sa palipat ni Bea sa GMA, sinabi ni Annette: “Exciting times ahead! Abangan!”