May 16, 2024

Milwaukee Bucks, pinitik ng New York Knicks, 130-110

Ginulantang ng New York Knicks sina Giannis Antetokounmpo at ang Milwaukee Bucks, 130-110.

Bumawi ang Knicks mula sa pagkatalo sa Lakers, makalipas ang 24 oras. Bumida sa panalo ng Knicks sina Julius Randle at Elfrid Payton.

Bumuslo ng 29 points, 14 boards at 7 assists si Randle. Habang 27 points, 7 assists at 3 boards naman ang ginawa ni Payton.

Sa panig naman ng Bucks, gumawa ng 27 points, 13 boards at 5 assists si Antetokounmpo. Habang nag-ambag naman si Khris Middleton ng 22 points, 4 boards at 5 assists.

Samantala, narito ang buong resulta ng laro, December 28, 2020

Indiana 108, Boston 107

Cleveland 118, Philadelphia 94

New York 130, Milwaukee 110

LA Lakers 127, Minnesota 91

Golden State 129, Chicago 128

Charlotte 106, Brooklyn 104

Orlando 120, Washington 113

Phoenix 116, Sacramento 100

San Antonio 116, Sacramento 100

LA Clippers 73, Dallas 124