May 16, 2024

James De Los Santos at 3 pa, nominado bilang ‘Male Fighter of the Year’

Inilatag ng The Hit List ang listahan ng ‘Top Martial Artists of 2020’.  Pararangalan ang mahihirang na artist sa Disyembre 30, 2020.

Ito ang kauna-unahang awards na ibibigay sa pamamagitan ng podcast. Apat na top artists ang kabilang sa nominasyon.

Ang mga ito ay nagtala ng impresibong panalo ngayong taon sa kani-kanilang larangan.

Kabilang sa nominado si Rolando Dy ng DyIncredible Fighting and Fitness Center.

Nasa listahan din si Joshua Pacio ng Team Lakay. Si John Riel Casimero ng MP Promotions. Ang panghuli ay si James De los Santos ng Maharlika Karatedo Kai of the Philippines International.

Kinakailangang makatanggap ng 30 percent ng tabulation ang kabilang sa nominado. Ang magwawagi rito ay hihiranging ‘Male Fighter of the Year’.