April 29, 2024

MICHELE GUMABAO, BALIK VOLLEYBALL, PAPALO ULI SA CREAMLINE

Photo Courtesy: PVL

Muling maglalaro ng volleyball si Michele Gumabao sa koponang Creamline Cool Smashers. Eeksena ang volleybelle-beauty queen sa 2022 PVL Invitational Conference. Balik sa kanyang original na propesyun ang player matapos bigong makasampa sa Kamara.

Hindi nakapasok ang Partylist nila na Mothers For Change (Mocha) nitong nagdaang eleksyon. Hindi nakalaro ang 29-anyos na opposite hitter sa Open Conference. Gayundin sa 2021 PVL Open Conference noon sa Bacarra, Ilocos Sur. Kung saan, nabigo ang Creamline sa Chery Tiggo sa finals.

Bukod kay Gumabao, sampa rin sa Cool Smashers si Lorie Bernardo ng UP Lady Maroons. Na papalo na rin ng kanyang huling taon sa UAAP. Makakalaro sa unang laban ng Creamline ang Cignal sa July 12 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.