April 27, 2024

MIAMI HEAT, TINUSTA ANG KNICKS, RAPTORS, SINUWAG NG BULLS

Apat sa players ng Miami Heat ang nagtala ng mahigit sa 20 points. Dahilan upang ihawin ng team ang New York Knicks, 110-96. Bumira si Duncan Robison ng 25 points.


Nagtala naman si Jimmy Butler ng 22 points at 6 rebounds. Habang 21 points naman ang palawal ni Tyler Herro. Samantalang 20 points naman ang nilagare ni P.J Tucker.


Nagsanib naman puwersa sina DeMar DeRozan at Zach Lavine sa pagsuwag ng Chicago Bulls sa Toronto Raptors, 111-105. Kumana si DeRozan ng 29 points, 7 boards at 7 assists.


Nag-ambag naman si LaVine ng 23 points, 8 rebounds at 8 assists. Bumira naman si Nikola Vucevic ng 17 points at 15 rebounds.