January 28, 2025

MGA LABI NI MARCOS SR. HUKAYIN, ITAPON SA WEST PHILIPPINE SEA – SARA

INIHAYAG ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinag-aaralan na ng Department of Justice (DOJ) ang legal consequences ng pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng paghukay sa mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itapon sa West Philippine Sea.

Matatandaang sa isang press conference noong Biyernes, Oktubre 19, isiniwalat ni Duterte na sinabihan umano niya si Senador Imee Marcos na itatapon niya ang katawan ng ama nilang si dating Pangulong Marcos Sr. sa WPS.

Kaugnay nito, sa panayam ng DZRH nitong Sabado, Oktubre 19, sinabi ni Remulla na nagulat siya sa mga binitiwang salita ni Duterte.

Desecration of the dead ‘yan. May violation sa Revised Penal Code ‘yan,” anang DOJ chief.

“Hindi rin nakakatawa yun eh. It does not speak of a sane and clear-thinking person. Iba na yun. Non-compos mentis (of unsound mind) na ‘yung pinangagalingan,” dagdag pa niya.

Hindi naman binanggit ni Remulla kung anong partikular na nilabag ni Duterte sa Revised Penal Code. Habang isinusulat ito’y wala pang pahayag o reaksyon ang bise presidente sa naturang pahayag ni Remulla