SIMULA sa Disyembre 17 ay pupuwede nang makapasok sa Pilipinas ang mga dayuhan na asawa at anak ng mga Filipino.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, batay ito sa bagong resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) nitong Huwebes.
Papayagan din ang mga “Balikbayan” o ang mga dating Filipino citizen, na nakabase sa abroad, na makasama nila sa pagbabalik-bansa ang kanyang asawa at anak.
Wala ring itinakdang edad para sa mga anak nila na papayagan nilang makasama sa pag-uwi sa bansa, ayon kay Roque.
Mahigit 30% ng mga nurse na nasawi sa US dahil sa COVID-19, mga Filipino, ayon sa report
Gayunman, may mga kondisyon sa kanilang pag-uwi tulad ng pre-booked sa quarantine facility at COVID-19 testing sa airport.
“They, too, must be subject to the maximum capacity of inbound passengers at the port and date of entry,” sabi ni Roque.
Inatasan umano ng IATF ang Bureau of Immigration at Department of Tourism na gumawa pa ng panuntunan para dito.
“The foregoing is without prejudice to immigration laws, rules and regulations such that the Commissioner of Immigration shall have the exclusive prerogative to decide on waiver or recall of exclusion orders for the above foreign nationals, including other foreign nationals who have entered the Philippines by virtue of Inter-Agency Task Force resolutions,” anang IATF
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda