NAGPATUSADAHAN sa social media sina Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga Jr. at dating Senador Antonio Trillanes IV matapos ang komento ng huli laban sa umano’y “kakaibang asal” ng ilang kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na marami ang naniniwalang patama kay Barzaga at sa kanyang kilalang “Meow meow” persona online.
Sa isang post sa social media, sinupalpal ni Barzaga ang puna ni Trillanes sa pabirong sagot.
“Inggit ka lang dahil panalo ang meow meow ko at talo ang aw aw mo!”
Ang sagutang ito ay kasunod ng panayam ni Trillanes kay journalist Christian Esguerra sa programang Facts First, kung saan pinuna niya ang umano’y “abnormal actions” ng ilang pro-Duterte politiko.
Ayon kay Trillanes, nakapagtataka raw kung paanong isang mambabatas ay tutugon ng “Meow meow” sa isang mamamahayag sa halip na magbigay ng matinong pahayag sa isyung pampulitika.
Bagama’t magkaibang pananaw sa istilo ng komunikasyon, umani ng halo-halong reaksyon mula sa netizens ang kanilang bangayan, mula sa mga natuwa sa pagiging palabiro ni Barzaga hanggang sa mga nagsabing mas dapat na ituon ng mga opisyal ang pansin sa mga isyung may kabuluhan.
