MGA KA-BERDUGO! Kapit nang mahigpit dahil tila mas mabilis pa sa pagtakbo ng daga ang tsismis—o katotohanan—na umiikot ngayon sa House of Representatives (HOR). Handa na ba kayo sa ating pag-arangkada?
Bago tayo dumako sa milyones, silipin muna natin ang kaguluhan sa HOR Media Center. Nitong kamakailan lang, pinasok ng mga higanteng daga ang tanggapan ng mga mamamahayag. Nagkagulo ang mga lodi nating reporters! May naghamunan pa nga na isulat ito sa kanilang mga pahayagan—ano na, mga bossing? Isusulat ba o itatago sa ilalim ng mesa?
Sabi ng mga miron, ang pag-atake ng mga daga ay dahil na rin sa maduming paligid. Mga kasama, ituring kasing tahanan ang Media Center at huwag babuyin! O baka naman, ang mga dagang ito ay naghahanap lang din ng kanilang share sa “parating”?
Ngayon, heto na ang tunay na pasabog. Usap-usapan ang diumano’y “Milyong Pisong Busal” ni Speaker Bodjie Dy. Gaano ba katotoo, Cong. Dy, na may parating kang datung para sa mga media personalities para lang patahimikin ang mga negatibong isyu laban sa iyo? Nagtatanong lang po.
Ayon sa impormasyong nakalap ng BERDUGO, noong nakaraang January 28, bandang alas-dos ng hapon, may naganap na “abutan” sa mismong coffee shop sa loob ng HOR! Hindi man lang itinago o isinikreto; parang ginawa nang tambayan ng sindikato ang bilihan ng kape!
Tila tumpak ang hirit ni Batangas Congressman Leandro Leviste tungkol sa “Bagman ng House of Representatives” na ayon sa ating mga ka-Berudgo ay kilala bilang alyas “Romel B.” Siya raw ang kumokontrol sa agenda para sa mga “negative publicity.”
Nakakalungkot na mas binigyang-pansin pa ng malalaking network ang paghingi ng tawad ni Usec. Claire Castro kaysa sa pagyurak sa dangal ng propesyon ng media.
Ayon kay Rep. Leviste, ni isa ay walang pumansin sa isyu ng mga “bayarang media”—dahil ba lahat ay busy sa pagbilang ng kanilang “grasya”? Naku ha! Totoo po ba ito?
Speaker Bodjie Dy, ang mga Ka-BERDUGO ay nagtatanong: Positibo ba ang pagpapakawala mo ng milyun-milyong piso para busalan ang bibig at talian ang kamay ng mga reporter? Galing ba ito sa pinagtatalunang Confidential Fund? Ito ba ay kapalit ng pananahimik sa mga isyu tulad ng “Ghost Flood Control Projects” kung saan isa ka umano sa 104 na mambabatas na idinadawit sa anomalya?
Paki-explain nga po.
Huwag kayong kukurap, mga ka-BERDUGO. Dahil sa susunod, baka hindi na lang daga ang lumabas sa lungga—baka pati ang mga “buwaya” ay magpakita na rin!
MAY KASUNOD PA, ABANGAN!
***
Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text lamang sa numerong CP#09999861197 o mag-email sa arnoldpajaronjr1989@gmail.com
