Nakakalungkot ngunit nakakatawa ang pinakabagong social media post ni Pasig City Mayor Vico Sotto, na nagbintang sa beteranong mamamahayag na si Korina Sanchez ng umano’y “paid interviews.”
Todo ang reaksiyon ng kampo ni Sanchez, na tinuturing itong cyber libel at paninira sa kredibilidad ng kanyang programa.
Sa panahon ng social media, madaling mag-post, madaling magkalat ng impormasyon, ngunit hindi ibig sabihin ay walang pananagutan.
Ang paratang na walang ebidensya ay hindi lamang bastos—ito ay mapanganib.
Hindi puwede basta ipalabas sa publiko na “bayad lang” ang mga panayam at gawing kasangkapan ang opinyal na hatol laban sa seasoned journalists.
Hindi rin patas na ibintang sa media ang intensyon ng isang panayam, samantalang ang mismong nag-akusa ay may interes sa politika at may kakayahang manipulahin ang naratibo.
Ang kalayaan sa pamamahayag ay hindi permiso para siraan ang reputasyon ng iba nang walang batayan.
Sa madaling sabi: Mayor Vico, panatilihin ang respeto. Hindi porket may social media account ka at posisyon sa gobyerno ay puwede mo nang sirain ang kredibilidad ng mamamahayag.
Sa digital age, ang salita ay may kapangyarihan—at kapangyarihang iyon ay dapat gamitin nang may pananagutan.
