April 27, 2024

MARC GASOL, IN-TRADE NG LAKERS SA MEMPHIS KAPALIT NG CHINESE CAGER

Ipinamigay na ng Los Angeles Lakers si Marc Gasol sa Memphis Grizzlies sa ikinasang trade. Ang kapalit ng Spanish cager ay si Wang Zhelin sa pamamagitan ng draft rights.


Bukod dito, kasama rin sa trade ang 2024 2nd-round pick at cash. Sa gayun ay makuha ang draft rights sa 7-footer Chinese player. Unang ibinalita ng ESPN ang nasabing development.


Ang 36-anyos na si Gasol ay orihinal na naglaro sa Memphis sapol noong 2008 hanggang 2019. Pagkatapos ay napunta sa Toronto Raptors at nakasubi ng kampeonato. Sa ngayon ay nasa Espanya si Gasol kasama ang kanyang pamilya.


Nagpasalamat ang pamunuan ng Lakers sa ibinigay na ambag ni Gasol sa team.
” Thank Marc for making LA part of your journey,” statement ng team sa official Twitter account.