Bumira sina Dindin Santiago-Manabat at Mylene Paat sa panalo ng Nakhon Ratchisima QminC. Ang dalawa ay naglalaro bilang Pinay imports sa team. Niyupi ng Nakhon ang Nakornnot, 25-17,25-15 at 25-22 sa 2021-22 Volleyball Thailand League.
Ang nasabing win ay una ng Nakhon sa second round. Ito rin ang debut ni Dindin bilang import sa nasabing liga. Ang spike ng dalawa ang nagpanalo sa team sa 3rd set, 25-22. Tinalo rin ng team ang Nakornnott noong Dec. 29 sa iskor na 26-24, 25-21, 20-25 at 25-18.
Sa ngayon, may record ang Nakhon na 5-4 na nasa 4th seed. Habang ang Nakornnott ay nabaon sa 4-6.
More Stories
BOSTON BINIGO ANG HEAT TUNGO SA EAST SEMIFINALS
SAN MIGUEL BEERMEN PATULOY SA PAMAMAYAGPAG
PANGASINAN KAMPEON SA PNVF U18 CHAMPIONSHIPS (Sa tulong ng kanilang coach na Math Teacher)