May 19, 2024

MAILA TING-QUE, NAHALAL NA BAGONG ALKALDE NG TUGUEGARAO CITY

Panalo bilang mayor ng Tuguegarao City si Maila Ting-Que laban sa karibal nitong si incumbent mayor Jefferson P. Soriano. Kaya naman, idineklara na ng COMELEC si Ting- Que bilang bagong alkalde ng lungsod.

Nakalikom ang dating incumbent City Councilor ng 39,919 votes. Samantalang mayroon namang 37,552 votes si Soriano.

Si Ting-Que ay dati ring Ex-officio Board Member ng siyudad. Sa kanyang pagkapanalo, siya ang first-ever na babaeng mayor na naihalal sa Tuguegarao.