May 19, 2024

CAMILLE VILLAR, PANALONG CONGRESSWOMAN SA LAS PIÑAS

Idineklara na si Camille Villar bilang member ng House of Representatives ng Las Piñas City. Ito’y matapos makakuha ng 130,812 votes laban sa katunggali. Kaya naman, prinoklama na siya ng Board of Canvassers bilang member ng Kamara.

Kaugnay sa kanyang pagkapanalo, pinasalamatan ng anak ni dating senador Manny Villar ang mga bumoto sa kanya. Gayundin sa sumuporta at sa board of canvassers.

” Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat,” ani nito matapos itaas ang kamay sa session hall ng lungsod.

Magsisilbi si Villar sa Kamara sa ikawalang termino matapos magwagi sa halalan. Noong 2019, nanalo rin siya sa nasabing posisyon matapos daigin si Jerry Delos Reyes matapos makuha ang 89.78 porsiyento ng boto.