Alerto sa Uwan! Nag-inspeksyon si Mayor Maan Teodoro sa mga evacuation centers sa Marikina. Ready na ang modular tents, pet cages, at special rooms para sa senior citizens, PWDs, at buntis. (Marikina LGU photo)
Patuloy ang evacuation operations sa lungsod ng Marikina ngayong Lunes, Nobyembre 10, 2025, matapos tumaas sa 13.4 meters ang antas ng tubig sa Marikina River dulot ng Super Typhoon Uwan.
Batay sa Camp Management Report ng Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) alas-8:00 ng umaga, umabot na sa 1,786 pamilya o kabuuang 8,918 indibidwal ang nananatili sa 33 evacuation centers sa iba’t ibang barangay ng lungsod.
Pinakamalaking bilang ng evacuees ay naitala sa mga sumusunod na evacuation sites:
- H. Bautista Elementary School (HBES) – 482 pamilya, 2,725 indibidwal
- Marikina Elementary School (MALES) – 380 pamilya, 1,947 indibidwal
- Nangka Elementary School (NES) – 300 pamilya, 1,133 indibidwal
- Concepcion Elementary School (CES) – 141 pamilya, 808 indibidwal
- Concepcion Integrated School (CISEL) – 118 pamilya, 587 indibidwal
- Concepcion Integrated School-San Lorenzo (CISSL) – 120 pamilya, 735 indibidwal
- Parang Elementary School (PES) – 79 pamilya, 332 indibidwal
- San Roque Elementary School (SRES) – 21 pamilya, 90 indibidwal
- San Roque National High School (SNNHS) – 3 pamilya, 14 indibidwal
- Sta. Niña Elementary School (SNES) – 45 pamilya, 154 indibidwal
- Marikina High School (MHS) – 27 pamilya, 142 indibidwal
- Industrial Valley School Gym (IVS Gym) – 8 pamilya, 32 indibidwal
- Fortune High School (FHS) – 1 pamilya, 5 indibidwal
- Malanday Elementary School (MES) – 1 pamilya, 2 indibidwal
- Sampaguita Gym – 8 pamilya, 39 indibidwal
- Bulelak Gym – 36 pamilya, 168 indibidwal
- L. Victorino Elementary School (LVES) – 11 pamilya, 41 indibidwal
- SSSVES – 5 pamilya, 16 indibidwal
Kasabay nito, 467 operatives mula sa lokal na pamahalaan, barangay, at mga volunteer groups ang naka-deploy sa mga evacuation sites upang tumulong sa pamamahagi ng pagkain, pagsasaayos ng seguridad, at pagtugon sa pangangailangan ng mga evacuees.
Ayon sa ulat, nananatiling alert level ang mga awtoridad at patuloy ang monitoring ng water level ng Marikina River.
Pinapayuhan pa rin ang mga residente sa mga low-lying areas na manatiling alerto at makinig sa abiso ng kanilang mga barangay officials.
Patuloy ring nakikipag-ugnayan ang Marikina LGU sa mga ahensya ng national government para sa karagdagang ayuda at relief operations habang inaasahang tatagal pa ang epekto ng bagyo sa mga susunod na araw. (Arnold Pajaron Jr)
