May 8, 2024

MADDIE MADAYAG, MAY RESEMBLANCE KAY MAKAGANDA

Marami ang nakapapansin na boys na may ka-resemblance si Maddie Madayag na social media influencer. Anila, may hawig siya kay Faye Namindang na mas kilala sa tawag na “Makaganda”.


Isang kaibigan nga namin ang nalito nang pagtabihin namin ang picture ng dalawa. Hindi niya malaman kung si Maddie o si Makaganda ang girl. May anggulong halos di mo na sila ma-distinguish. Lalo na kapag hindi nakasut ng uniporme ng volleyball si Maddie. Para silang magkapatid o kambal.


” Hawig talaga niya. Promise, walang biro. May resemblance talaga sila,” sabi ng katotong si Ogie patungkol sa Choco Mucho Flying Titans volleybelle.


Wish naman ng mga fans ni Maddie, maka-recover na agad ang volleybelle. Sa gayun ay makalaro ito ng mas maaga ng volleyball. Nagka-ACL kasi ito nang semis ng PVL Open Conference kontra Chery Tiggo.