May 7, 2024

Lowly housekeepers gets $8K tip from Westbrook

Kinumpirma ni NBA superstar Russel Westbrook na nagbigay nga siya ng $8,000 tip para sa mga housekeeper ng Grand Floridian Hotel bilang pasasalamat sa kanila. 

Ang hotel ay nasa loob ng Walt Disney resort complex sa Florida kung sa isinasagawa ang NBA bubble. 

Pinakamalaking tip na natanggap ng mga housekeepers doon ay $15 kung kaya’t laking gulat nila sa laki ng tip. 

Bukod sa tip, nag-iwan pa si Russel ng thank you letter at nilinis pa niya ang kanyang room bago mag-check out. 

Malaking bagay na iwan ng guest na malinis ang kanyang kuwarto upon check out. Nakapagpahinga ang housekeeper. 

Bagaman natalo sa Western Conference finals ang Houston Rockets laban sa Denver Nuggets, naging tunay champion naman si Russel dahil  sa kanyang ginawang ito. 

“They took great care of us. Took the time and energy to do their job at a high level. That was the right thing. I like to do the right thing,” sabi ni Russel kay Taylor Rooks, reporter ng Bleacher’s Report. 

Ramdam ni Russel ang paghihirap ng mga lowly employee kahit may pandemic at naka-quarantine din sa loob ng bubble, binigay pa rin ng mga housekeepers ang best nila.

Saludo tayo kay Russel. Saludo sa mga housekeepers!