May 3, 2024

LOS ANGELES CLIPPERS, BALAK LAMBATIN SI KYRIE IRVING SA BROOKLYN NETS

Bilang paghahanda ng Los Angeles Clippers sa 2022-23 NBA season, may gagawin silang master plan. Ito ay upang mapalakas ang team at maging contender sa liga. Malaon nang pangarap ng Clippers na makatuntong sa NBA finals.

Isa sa plano nila ay magpalakas ng arsenal. Ang kumamada ng de-kalibreng point guard sa line-up. Nasa radar ng team si Brooklyn Nets Kyrie Irving ayon sa source.

Pinakikiramdaman lang ng Clippers kung mananatili pa si Irving sa Nets next season. Kung hindi, lalatagan nila ito ng $35-million offer. Ito ang maximum cap ni Dr. Drew sa isang one year contract.

Malaking puwersa umano at tulong ito sa opensa ng team. Mabubuo rin ang team ng bagong Big 3 sa katauhan nina Paul George, Kawhi Leonard at ni Irving.