April 29, 2024

Legacy ni Kobe, motivation ng Lakers upang masungkit ang NBA championship

Kapwa naghahanda na ang Los Angeles Lakers at Miami Heat.  Magtatapat ang dalawang teams sa grand showdown sa 2020 NBA finals.

Ang pagpalaot sa finals ay ikasampu na kay LeBron James mula sa tatlong teams.

Una ay sa Cleveland Cavaliers (2007, 2015-2018, 5 appearances). Ikalawa ay sa Miami Heat (2011-2014, 4 appearances) at sa Lakers (2020).Makatatapat ni LeBron ang dati niyang team at mentor na si Fil-AM coach Erik Spoesltra.

Gayunman, desidido si James na bigyan ng karangalan ang legacy ng yumaong Lakers legend na si Kobe Bryant. Ito ang dahilan kung kaya nakarating sa finals ang Los Angeles.

“Every time you put on purple and gold, you think about his legacy,” ani James. ”

You think about him and about what he meant to this franchise for 20-plus years, and what he stood for both on the floor and off the floor.”

Target din ng 35-anyos na si James ang fourth NBA championship sa ika-17 year niya sa liga.