May 20, 2024

LEE KIEFER, WAGI NG GOLD MEDAL SA FENCING EVENT SA OLYMPICS

Nakasungkit ng gold medal si Lee Kiefer sa 2020 Tokyo Olympics sa fencing. Gayunman, hindi para sa Pilipinas counted ang gold. Dahil iprinisenta Fil-Am fencer ang USA sa fencing event.

Tinalo nito ang deending champion na si INna Deriglazova ng Russia, 15-13.


Siya rin ang unang American na nagwagi ng gold sa individual foil. Gayundin bilang unang Asian-American na nanalo ng gold sa fencing. Sa kabuuan, ito na ang third gold medal ni Kiefer sa olympics.

Siya ay isang medical student sa University of Kentucky at 4-time NCAA champion sa Notre Dame.


Samantala, bigo naman si Fil-Japanese Kiyomi Watanabe sa Olympics Judo Women’s 63kg event. Natalo siya sa Round of 32 kay Cristina Cabana Perez ng Spain. Si Cabana ay ranked 38 habang si Watanabe ay 41.


Dahil sa pagkatalo, nabigo si Watanabe na umusad sa Round of 16.