
NAGPAALALA si Sen. Lito Lapid sa ating mga deboto na magtika at manalangin para sa pagkakaisa ng ating bansa sa panahon ng Semana Santa.
Sa isang panayam sa City of Ilagan, Isabela, sinabi ni Lapid na ito ang pagkakataon na magbuklod ang mga pinuno ng bansa para sa pagsusulong ng kapakanan ng mamamayan.
Samantala, pinayuhan ni Lapid ang mga deboto lalo na ang mga senior citizen na mag-ingat at umiwas sa mainit na panahon dahil mapanganib ito sa kanilang kalusugan.
Si Lapid ay awtor ng higit kumulang sa 1,000 bills at higit 100 dito ay naging ganap na batas.
Kabilang na rito ang Free Legal Assistance Law o Lapid Law na magbibigay ng abugado, kahit de kampanilya abugado sa mga mahihirap at naaagrabyado sa batas.
More Stories
3 SUSPEK SA PAGDUKOT AT PAGPATAY SA CHINESE BUSINESSMAN, ARESTADO NA
Panahon na Para sa Tunay na Partido, Hindi Personalidad
Ogie Diaz kay Camille Villar: ‘Tubig muna bago pabahay’