TINAAS ng US climate scientist ang La Niña alert, na magdadala ng pag-asa ng ulan upang mapunan ang stock ng Angat Dam at mailigtas ang Metro Manila mula sa krisis sa tubig.
Ang La Niña ay isang weather phenomenon na nagdudulot ng tagtuyot sa eastern Pacific – ang western coast ng Americas – subalit matinding pag-ulan naman sa west, kabilang na ang ilang lugar sa Pilipinas.
Ito ay kabaligtaran ng El Niño.
Tag-ulan na sa Pilipinas, pero nitong mga nagdaang linggo ay madalas lang bumuhos ang ulan at matinding init ang naging dahilan kung nang pagkatuyo ng Angat Dam sa lalawigan ng Bulacan, na siyang nagsu-supply ng tubig sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.
Sa ulat ng weather bureau Philippine Atmospheric, Geological and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot ang water level ng Angat sa 176.65 meters above level seas (masl) noong Lunes, mas mababa sa minimum operating level na 180 masl.
Bumaba ang level ng tubig ng dam sa 180 masl ngayong Setyembre, at patuloy sa pagbaba kada araw sa huling 23 araw.
Pero dahil sa advisory ng US Climate Prediction Center at ng International Research Institute nabawasan ang pangamba sa water shortage kung magpapatuloy ang pagbaba ng stock ng Angat Dam.
Gamit ang datos para sa Agosto, itinaas ng dalawang climate centers ang La Niña Alert ngayon dahil sa patuloy na pagbaba ng temperatura ng karagatan sa Central at Eastern Equatorial Pacific Ocean.
big sabihin, tumaas na sa 70% ang tyansang magkaroon ng La Niña Phenomenon na maaaring makaapekto rin sa bansa simula ngayong Setyembre at posibleng magpatuloy hanggang Disyembre ngayong taon.
Dahil dito, asahan ang mas maraming kaulapan na mabubuo na magdadala ng mas maraming mga pag-ulan at pamumuo ng sama ng panahon o bagyo ngayong “Ber Months” kung saan mas inaasahang tumatama ang mga bagyo sa bansa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA