April 27, 2024

LA LAKERS, NAGBAGONG BIHIS,PINALAKAS SA PAGREKTA NINA MELO, NUNN AT HOWARD

Pinalakas ng LA Lakers ang kanilang line-up para sa 2021-22 NBA season. Katunayan, nasa bakuran na ng Lakers si Carmelo Anthony. Pumayag si Melo na lumagda ng 1 year contract sa team.

Bagong salta rin sina Kendrick Nunn, Malik Monk at Wayne Ellington. Balik Lakers naman sina Trevor Ariza at Dwight Howard.

Nanatili si Talen Horton-Tucker sa pagpirma ng 3-year deal sa halagang $32-million. pati na rin si Kent Bazemore.

Nauna nang sumampa sa Lakers si Washington Wizards star guard Rusell Westbrook. Nawala naman sa team sina Kytle Kuzma, Montrezl Harrell at Kentavious Caldwell-Pope. Nabaklas din sa Lakers si Alex Caruso na napunta sa Bulls.

Gayundin si Andre Drummond (76ers) at Markieff Morris (Heat). Ang ginawang balasa ng Lakers ay upang mabalanse ang kanilang line-up. Maging ito man ay sa opensa at depensa.