May 2, 2024

Kevin Durant, panay ang like sa Instagram post ng misis ng NFL player

Kasalukuyang nasa sideline si Brooklyn Nets star Kevin Durant dahil sa injury. Pero, may libangan siya ngayon na minomonitor ng fans.

Aktibo sa social media ang Nets offensive star at panay likes nito sa post ng mga magagandang tsiks.

Kantiyaw ang inabot ni Durant sa pagla-like nito sa post ng misis ni NFL player Julius Pepper.

Nahuli ang tinaguriang ‘Durantula’ dahil panay likes nito sa Instagram post ni Claudia Sampedro.

Si Claudia ay isang Cuban model ay nakarelasyon ng Carolina Panther defensive sapol noong  2014.

Ayon naman sa mga fans, wala namang malisya sa ginagawa ni Durant. Hinala nila, baka magkaibigan ang dalawa. Wala namang reaction dito si Pepper.

Noong mga nagdaang taon, nahuli rin ng mga fans si Durant na nila-like ang mga post ng pop singer na si Rihanna.