April 28, 2024

Exciting na NBA trade rumors, magkatotoo kaya?

Maugong ngayon sa NBA fans ang mga trade rumors na kanilang kina-excite. Ang totoo, kaabang-abang naman talaga.

Itong NBA season na ito ang kakaiba dahil humaharap pa rin ang liga sa pandemya. Gayunman, nairaraos ito ng liga.

Anu-ano ng aba ang mga trade rumors ngayon? Una, sa site ng Los Angeles Lakers. Napipisil umano ayon sa source na si DeMarcus Cousins ang tipo nito.

May sitsit din na interesado rin ang Lakers kina Andre Drummond  at Blake Griffin.

Target din ng Dallas Mavericks si Cleveland Cavaliers big man Andre Drummond. Ito’y upang itambal kina Luka Doncic at Kristaps Porzingis.

Balak ni Marc Cuban na makabuo ng ‘Big Three” ang Dallas. Gaya noong panahon nina Dirk Nowitzki, Steve Nash at Michael Finley.

Maugong din ang mga players na target ng Miami Heat na mapunta sa kanila. Kabilang na rito sina Rudy Gay (Spurs), Buddy Hield (Kings) at Blake Griffin (Pistons).

Gayundin sina Andre Drummond (Cavs) at Bradley Beal (Wizards). Target din daw ng PHildelphia 76ers si Kyle Lowry.

Well, abangan natin kung magkatotoo ang mga espekulasyong ito.