May 2, 2024

KC CONCEPCION, SOBRANG TABA PERO MAGANDA PA RIN

ANG hinala ng mga fans ay tiyak namana niya sa mother niya ang mahiligin sa pag kain kaya sumobra na ang taba niya. Pero lutang pa rin naman ang ganda ni KC, pero marami ang nanghihinayang dahil ang pagiging mataba niya ang siyang magdudulot sa paghina ng career niya.

 “Kung tutuusin, secure na si KC Concepcion sa kanyang mga negosyo. Kahit hindi na nga siya mag-Showbiz, mabubuhay siya ng sagana. Pero kung gugustuhin man niyang ibalik iyong dating ka-seksihan niya ay mahihirapan na siya.

 “Happy naman na siya sa kanyang buhay, asta ang worry lang ng kanyang mga tagahanga ay ang tungkol sa paghahanap niya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng tunay at pakakasalan siya. Tutal naman daw ay may go signal na siya sa kanyang Amang si Gabby Concepcion, na payag ng mag-asawa siya. Ang problema lang ay mukhang mahihirapan na siyang muling bumalik sa kanyang dating ka-seksihan,” kwento pa ng aking source.