May 17, 2024

KAI SOTTO, NA-INJURED NANG ISALANG SA STARTING 5 NG 36ERS

Naisalang si Kai Sotto bilang first 5 para sa laro ng Adelaide 36ers. Gayunman, may nangyaring hindi maganda. Bukod sa yumukod ang 36ers sa Perth Wildcats, 73-92, minalas pa si Kai.


Na-injury ang 19-anyos na 7’3 cager sa paa dahil sa box out situation. Kaya, napilitan ang coach nila na palitan siya sa laro. Nangyari ito sa 6:08 mark ng 2nd quarter ng laro.


Naikamasa si Sotto sa starting line-up bilang sentro sa ilang rason. Una ay may sakit si Craig Bairstow at out of the season naman si Isaac Humpries. Naglaro ang teen-cager sa loob ng 7:56 seconds ng walang iskor.