Kmpirmado nang hindi makakasama ang 7-foot-3 center na si Kai Sotto sa lineup ng Gilas Pilipinas para sa darating na qualifying window ng 2027 FIBA World Cup.
Ayon sa ulat, bagama’t hindi makapaglalaro, darating pa rin si Sotto sa Maynila sa Pebrero 16 para sa isang maikling “personal break” bilang suporta sa koponan bago bumalik sa kanyang koponan sa Japan.
Kasalukuyan pang nagpapalakas si Sotto matapos ang isang taong pagkaka-off dahil sa tinamong ACL injury at unti-unti pa lamang niyang ibinabalik ang kanyang dating kompiyansa at porma sa paglalaro.
Itinuturing itong malaking kawalan para sa Gilas, lalo na’t makakaharap nila ang mga higante ng rehiyon—ang Australia (Boomers) at New Zealand (Tall Blacks).
Gayunpaman, inaasahang babalik si Kai na mas malakas para sa susunod na window ng Gilas. (Ron Tolentino)
