April 29, 2024

John Amores ng JRU, pinatawan ng indefinite suspension

Pinatawan si John Amores ng Jose Rizal University ng indefinite suspension. Ito’y matapos suntukin si UP player Mark Gil Belmonte sa PG Flex Linolium-UCBL Preseason Tournament.

Itinigil ang laro sa 2:11 mark ng 3rd quarter nang suntukin ni Amores si Belmonte. Na naging dahilan ng pagbusargo ng nguso ng huli. Ang naging ugat nito ay nang sabay silang bumagsak sa floor dahil rebound battle sa SGS Gym sa Quezon City.

Dahil sa nangyari, pinorpit ng UCBL officials ang laro pabor sa UP Maroons. Nagpasya rin sila na ilagay sa indefinite suspension si Amores matapos ang imbestigasyon sa nangyari. Ayon naman kay UP program director Bo Perasol, nagkaroon ng severe injuries si Belmonte sa lower gum at lips.

Sa panig naman ni Amores, humingi siya ng paumanhin dahil sa kanyang ginawa. Pinagsisisihan  rin ng Heavy Bombers swingman ang kanyang maling inasal.