April 28, 2024

JOEL EMBIID, BUMIDA SA PAGPUNIT NG 76ERS SA NETS

Nanguna si Joel Embiid sa pagpunit ng Philadelphia 76ers sa Brooklyn Nets, 110-102. Ito’y sa kabila ng impresibong performance nina Kevin Durant at James Harden. Pumukol si Embiid ng 34 points, 6 boars at 3 steals.


Habang umalalay naman si Seth Curry ng 17 points, 6 assists, 3 boards at 2 stl.Samantala, gumawa naman si Harden ng 33 points, 14 boards at 10 assists. Si Durant naman ay bumira ng 33 points, 7 boards at 4 assists.
Kumana naman si LaMarcus Aldridge ng 12 points at 8 rebounds.


Mula umpisa 76ers ay naging dikit ang laban. Palitan ng lamang hanggang sa umalagwa ang 76ers sa huling bahagi ng 4th quarter. Nagkaroon pa ng girihan si Embiid at Aldridge. Hanggang sa si Durant na ang nakainitan nito sa last 2 minutes ng laban. Ito’y dahil sinabihan ni Embiid ang players ng Nets na ” Go home’, na ikinapikon ni Durant.

Naging daan din ng panalo ng 76ers ang magandang depensa at opensa sa laro.