May 2, 2024

GIANNIS ANTETOKOUNMPO, NANGUNA SA PAGSUWAG NG BUCKS SA MAGIC, CAVS, UTAS SA WIZARDS

Pinangunahan ni Giannis Antetokounmpo ang pagsuwag ng Milwaukee Bucks sa Orlando Magic, 136-118. Gumawa ang ‘The Greek Freak’ ng 33 points, 12 boards at 5 assists. Gayundin ang 2 steals at 2 blocks.


Nag-ambag naman si Jrue Holiday ng 25 points at 7 assists. Habang si Khris Middleton naman ay bumuslo ng 22 points.
Nagtuwang naman sina Bradley Beal at Kyle Kuzma sa paglikida ng Washington Wizards sa Cleveland Cavaliers, 110-93. Gumawa si Beal ng 29 points, 10 assists at 6 boards.


Habang si Kuzma naman ay kumana ng 25 points, 10 rebounds at 2 assists. Bumira naman si Kevin Love ng 24 points, 11 boards para sa Cavaliers. Hindi naman natuloy ang laro ng Denver Nuggets at Golden State Warriors.